"Enteng! Enteng!" May isang sigaw na palakas nang palakas.
Unti-unting mumulat ang mga mata.
"Enteng, yan gising ka na sa wakas. Nasan na daw yung laptop na pinapagawa ni amo. Nung isang araw pa daw yan ah. Pinapatagal mo na masyado. Bilisan mo daw." Sabay alis din agad ng babae. Tumango lang si Enteng.
Naglakad sya patungong kusina. Naghanap ng salamin. Tiningnan ang sarili. Makikita natin ang mukha ni Enteng, medyo mahaba ang bigote at balbas. May peklat sa gilid ng mata. Maghihilamos sya tapos magpupunas ng mukha. Pupunta sa mesa at maghahanap ng pagkain. May kaldero sa mesa ngunit may mga ipis na gumapang palabas. Kukunin niya ang laman ng kaldero at kakainin. May makikita syang kalendaryo sa mesa. Titingnan niya ito. Walang nakamarka sa araw na ito"Happy birthday to me!" Ngingisi lang sya tapos ibababa ang kalendaryo. Susubo ulit ng pagkain. Malalasahan nya ito at ibubuga ang kinain.
May maririnig na wangwang mula sa labas.
Tatayo si Enteng. Maglalakad papunta sa sala. Papuntang workshop. Palabas.
Bubuksan niya ang pinto.
May mga sundalong lalapit sa kanya at kukuwelyuhan siya.
"Upa mo!"
May dudukutin si Enteng sa bulsa at ibigay ito sa sundalo. Sisikmuraan nila si Enteng tapos aalis.
Papasok si Enteng at pupuntahan ang laptop na ginagawa. Uupo sya sa workshop. Nakaupo lang sya. Nakatingin sa Laptop na sira.
Mamaya ay tatayo sya kukunin ang jacket. Dudukutin nya sa bulsa ang papel na binigay ng tao nung isang araw. Pagkabasa ay lumabas si Enteng suot ang jacket.
Naglakad sya papunta sa isang liblib na kalye sa dulo ng bayan. Pumasok sa isang bodega na walang laman.
"Enteng..." Nasa likod ang tao. Lilingon si Enteng.
Isa syang lalake na mapayat, at puno ng balbas at bigote sa mukha. Nakajacket sya ng itim at may suot na sombrero.
"Pumunta ka dito dahil sa puso mo ay naniniwala ka."
"Ako naniniwala? saan?"
"Na hindi ito ang buhay na dapat sayo. Na merong mas magandang buhay para sa yo."
"Teka sino ka muna?"
"Sabihin na lang natin na isa ako sa magiging pinakamahalagang tao sa buhay mo. Pero ang mahalaga ngayon ay iyong misyon. Halika."
Lumapit si Enteng dahan-dahan.
"Bago ang lahat, kelangnan mong malaman ang nangyari." Ipinatong ng lalaki ang hintuturo sa noo ni Enteng. Sa isip ni Enteng, tumakbo ang isang eksena, ang propesiya, ang pagpapatawag ng pulong ang hari ng kadiliman, ang pag-utos kay Ahora, at ang tatlong kidlat sa mundo ng kadiliman na bumago sa takbo ng kasaysayan sa lupa.
"Anu yun? Pangitain ba yun?
"Iyun ang totoong nangyari, ENteng. Kung bakit ganito ang mundo ngayon.
"Anu naman ang kinalaman ko dun?"
"Ikaw ang tagalupa na tinutukoy sa propesiya, Enteng."
"Pero hindi pwedeng ako. Wala nga akong asawa. Pano pa ko magkakaroon ng tatlong anak?"
"Hmm.." Napabuntong hininga ang lalaki. "Sige. Kelangan muna nating ibalik ang iyong dating ala-ala, para mapadali ang lahat. Halika sumunod ka sakin."
"Huh? Saan tayo pupunta?"
"Hindi saan. Kailan.Ayon sa libro ng mahika, ang lahat na tadhana ng isang tao ay nakalatag sa kanya pagkapanganak pa lang niya, ngunit ang tiyak na landas na tatahakin nya ay malalaman pa lang niya habang siya'y lumalaki. Kaya pupunta tayo sa araw na ipinanganak ka upang kunin yung alal mo na nawala."
"Ha. Ano daw? Este ibig sabihin marunong kang mag magic?"
"Basta magtiwala ka na lang." Itinaas ng lalaki ang kanang kamay at may iminustra sa hangin. "Kumapit kang mabuti."
Pagkahawak na pagkahawak ni Enteng sa lalaki ay umikot ang dalawa ng sobrang bilis. Pagtigil nila ay nasa labas sila ng isang bahay kubo. Madaming puno sa paligid. Gabi na at tahimik ang lahat.
May biglang sumigaw na babae mula sa kubo. Mayamaya pa may tumakbong lalaki mula sa malayo at pumasok sa kubo. Tumigil sa sigaw ang babae. Sa gitna ng dilim may sanggol na umiyak.
"Yun ang una mong iyak, Enteng." Nakangiting sabi ng lalaki. "Halika lumapit tayo."
Sa may bandang pintuan ng kubo may 3 lalaki at 3 babae ang nakaupo sa bangko. Ang Isang babae at isang lalaki ang maiitim ang balat na tila mag-asawa. Ang isang babae at lalaki naman ay medyo malusog ang katawan. Ang isang lalaki naman, na kasama nung ias ding babae ay kalbo.
Lumakad sina Enteng papunta sa likuran sa may bintana. Sumilip si Enteng. Nakita nya ang isang lalaki na mejo kamukha nya. Nakaupo sya sa tabi ng babaeng nakahiga at may hawak na sanggol.
Sumilip din ang lalaking kasama ni Enteng. Itinaas ng bahagya ang kamay at may iminustra sa hangin. May isang liwanag na tila umalis sa ulo bata at napunta sa kamay ng lalake.
"Narito na ang iyong alaala Enteng." Inilagay ang liwanag sa ulo ni Enteng. Tumakbo sa isip ni Enteng ang napakaraming eksena. Mula pagkabata, pag-aaral, paglaki, pagasawa, pag-anak hanggang sa kanyang kaarawan.
"Halika ka na Enteng". Naglalakad na ang lalaki papalayo sa kubo. Ngunit nakatingin pa rin si Enteng at nakasulyap sa mga magulang niya at sa sa sanggol. Naririnig niyang naguusap ang mag-asawa.
"Isa siyang biyaya sa atin Edu. Bigay ng Diyos."
"Tama ka mahal. Anong gusto mo ipangalan sa kanya.?"
"Ang Diyos ang magbubulong sa atin ng pangalan."
"Pero anong gusto mo?"
Napansin ng lalaking kasama ni Enteng na hindi sumusunod si Enteng sa kanya kaya tinawag nya ito.
"Psst. PSSST. Enteng!"
Tila narinig ito ng nanay ni Enteng.
"Enteng. Enteng ang ipapangalan natin sa kanya." Sambit ng nanay.
Napangiti na lang si Enteng. Pagkatapos ay sumunod na sa lalaki palayo sa kubo.