Enteng Kabisote: Unang Libro

Abangan sa espasyong ito ang isang kuwento ng pagibig, pagkakaibigan at pakikipagsapalaran.

Sa mundo sa kuwentong ito, nagwagi na ang kadiliman hindi lang natin nalalaman.

Paano pa nga ba matatalo ng ating bida ang puwersa ng kadiliman kung siya ay mag-isa na lamang-- walang Prinsipe K, walang Faye, walang mga engkantadang makikipaglaban?

Abangan...

Tuesday, May 17, 2011

Ikaapat na Kabanata

"Enteng! Enteng!" pasigaw ng misteryosong lalaki.

"Ente-"

"Huy! Anu ka ba nasa likod mo lang ako sumusigaw ka pa!".

"Ay pasensya na po. May ipapakita ako sayo." Kinuha ng lalaki ang kamay ni Enteng at inakay ito papunta sa isang lugar sa likod ng mga puno ng saging. May dinukot ito sa bulsa na pulbos at ibinuhos sa may lugar sa harapan nila. Pag buhos ng pulbos ay may na-aninag si Enteng na parang bitak na lumulutang sa ere.

"Anu yan?" tanong ni Enteng.

"Ito ay isang warak sa takbo ng panahon."

"Huh? Anu daw? Este pakitagalog nga", sabi ni Enteng nang nakakunot ang noo.

"Ang panahon ay parang isang dumadaloy na ilog. Pumaparoon ito at hindi pumaparito. Maayos ang daloy nito. Pero kapag may umapak sa daloy nun, makikita mo na nasisira ang agos hanggang sa kaduluduluhan ng ilog."

"Ibig mong sabihin may umapak sa daloy ng panahon kaya may ganyanng bitak?"

"Kurak! Ang totoo nyan. Ang kasalukuyan, yung mundo na kinagisingan mo kaninang umaga ay epekto ng pagkakawasak sa maayos na daloy ng panahon. Maraming masamang naidulot ang pag-apak na iyon."

"E di kelangan lang natin ayusing ulit yung daloy na yun. Kelanagn natin hanapin yung umapak sa daloy para sya naman ang apakan natin."

"Tama. Yan ang gagawin natin. Hahanapin natin yung manlalakbay ng panahon at pipigilan sya na baguhin ang daloy", sambit ng lalaki. "Gagamitin natin ang bitak na to upang sundan kung saang panahon siya pumunta. Maaring maraming panahon ang pinuntahan niya, pero kelangan natin makita lahat yun."

"Sige tara. Hanapan ang salarin". Akmang susugod si Enteng papunta sa bitak sa hangin. Pero pinigil siya ng lalaki.

"Oops! Teka lang. Isa pang leksiyon. Alam mo naman yung propesiya di ba?"

"Slight lang. Parang naulinigan ko kanina nung bumalik ang memorya ko."

"Ayun. SO tingin ko ang gagawin ng kalaban ay puntahan ang lahat ng panahon kung kelan nagtagpo kayo ni Faye. Pipigilan niya na magkatagpo kayong dalawa para hindi kayo magkakanak."

"Ahh kaya dapat lang nating gawin ay pagtagpuin ako at si Faye! Ako na ang didiskarte dyan. Akong bahala."

"Sige, sabi mo e. Sugod na!" sigaw ng lalaki.

Sa hudyat na yun, tumalon na si Enteng papsok ng bitak. At sumunod naman ang lalaki.

Sa paningin ni Enteng, umikot ang lahat ng nasa paligid niya. Umikot ng umikot. Nang biglang tumigil ito. Bumagsak si Enteng sa lupa. Unti-unting luminaw ang paningin niya. Nakita nyang nakatayo na ang lalaki. Inabot nito ang kamay ni Enteng upang makatayo.

"Masasanay ka rin," payo ng lalaki.

"Anung lugar to?" ani Enteng. Sa paligid, parang isang madilim na kuweba ang nabagsakan nila. May mga ginintuang bulaklak na nakasabit sa tabi-tabi. May isang sapa na dumadaloy sa may banda roon.

"Nasa Engkantasya tayo ngayon, pero ang mas tamang tanong ay, anung panahon to?." sagot ng lalaki sabay ngiti. "Tayo ay nasa panahon na pitong taon ka pa lang. Kelangan mong malaman kung anung mahalaga sa panahong ito. Bakit dito pumunta ang kalaban. At kelangan natin sya agad makita."

"Parang naalala ko na may ikinuwento si Faye sa kin dati. Una daw niya akong makita ay nung pitong taon ako. Pinapanood daw niya ako habang naglalaro kasama yung ibang mga bata. May nangyari daw nun na talagang hinangaan niya sa kin. Pero hanggang yun lang naalala ko".

"Sige pwede na yun bilang simula. Kung pinapanood ka ni Faye noon, siguro gamit nya ang palanggana ng pagsilip. Halika lumapit tayo ng konti, pero wag ka magpapakita kahit kanino."

Lumapit ang dalawa sa may bandang dulo ng kuweba. Umakyat sila sa may burol as likod ng mga nagtatasan na bato haggang sa makarating sa taas na kitangkita ang palanggana. Nakikita nila na may mga batang naglalaro.

"Ako yun! Tingnan mo!" napasigaw ni Enteng.

"Ssshh!!!"

"Ay sori."

Sa palanggana, nakikita nila sina batang Enteng, Pipoy, Jose at Bale na umaakyat sa isang puno. Nagkakasayahan sila. Nasa tuktok silang lahat ng puno. Maya-maya pa bababa na sila. Unang bumaba si Jose, pagkatapos si Bale.

"Enteng, may paparating."

Sa may bukana ng kweba may nakita silang isang batangengkantada. Si Faye! papunta siya sa may palanggana.

"Tamang-tama. Makikita nya ako sa palanggana."

Pero nang nasa may kalagitnaan na si Faye ng kweba, may nakikita na naman na paparating sina Enteng.

Si Ahora! Pero hindi siya nakikita ni Faye. Nanatili si Ahora sa may gilid ng bukana ng kweba. May kinuha ito sa bulsa at inilagay sa bibig. Isa itong plawta. Tumutugtog si Ahora ng plawta.

Napatigil si Faye. Tumingin sa likuran. Unti-unitng naglalakd palabas ng kweba.

"Si Faye. Hindi nya makikita si batang Enteng", sambit ni Enteng. "Pupuntahan ko si Ahora!"

"Enteng hindi ka dapat magpakita kay Faye! Baka mas malaking kasamaan maidulot natin!"

"Basta pupuntahan ko si Ahora! Kelanagn tumingin si Faye sa palanggana!"

"Enteng!"

"Anu ka ba! hindi mo ko mapipigilan!"

"Enteng tingnan mo sa palanggana.

Pagtingin ni Enteng bigla siyang kinabugan. Nakita niya si Pipoy nakabitin sa dulo ng sanga at isang kamay na lang ang nakahawak. Sobrang taas ng puno, at siguradong magkakalasog ang katawan nito pag nakabitaw.

Natigilan si Enteng.

"Kelanagn kong iligtas si Pipoy." napagdesisyunan ni Enteng. "pero pano si Faye?"

"Wag kag mag-alala hindi maano si Faye hanggat nasa Engkantasya sya. Yun nga lang hindi niya makikita si Batang Enteng sa palanggana."

"Kung ganun, dalhin mo ko sa lupa."

"Sige ngayun din."

Nakabitin si Pipoy sa sangga ng puno. Isang kamay na lang ang hawak niya. Umiiyak. Nasa baba na ang tatlo pang bata. Maya-maya pa umakyat muli si batang Enteng ng puno. Pinuntahan kung nasan si Pipoy. Dahan dahan ang paggapang sa sanga.

"Jose, Bale, kunin nyo yung kariton na may dayami at ilagay sa ilalim namin! Bilis!"

Kumaripas ng takbo ang dalawa.

"Konting tiis pa Pipoy. Kapit lang. Maabot na kita." Lumalapit siya kay Pipoy.

Dulo na lang lang ng daliri ang nakahawak ni Pipoy.

"Kapit lang."

Ngunit hindi na kinaya ni Pippoy. Nakabitiw siya. Pero sakto na inabot siya ni batang Enteng. Pinagpapawisan si Enteng sa init at sa bigat ni Pipoy.

"Nasan na ba ang kariton."

Hinihila ni Jose at Bale ang kariton pero sobrang bigat nito.

Lumitaw si Enteng sa may damuhan sa may likuran ng kariton. Hindi siya kita ng dalawang bata. Yumuko si Enteng at lumapit sa karton. Patago niyang tinulak. Natuwa ang dalawang bata, akala nila sila ang humihila.

Umabot na sa ilalim ni Pipoy.

"Di ko na kaya!", sambit ni batang Enteng. Nakabitaw siya. Pero nasalo si Pipoy ng Kariotn na may dayami. Ligtas silang lahat. Natuwa din.

"Hay salamat", sabi ni Enteng sa likod ng kariton.

"Hay salamat", sabi ni Enteng sa taas ng puno.

Mayamaya pa umikot na naman ang paligid ni Enteng. Nagbalik siya sa Engkantasya. Nakaupo ang lalaki sa sulok.

"O ano, nakita ba ni Faye? Iniligtas ng batang ako si Pipoy!." Sambit ni Enteng na may ngiti sa labi.

"Hindi ka niya nakita. Nabigo tayo."

Nawala ang ngiti ni Enteng.

Tuesday, May 10, 2011

Ikatlong Kabanata


"Enteng! Enteng!" May isang sigaw na palakas nang palakas.

Unti-unting mumulat ang mga mata. Malabo ang paningin. Babangon sa kama. Lalabas ng kwarto at pupunta sa pinangagalingan ng tumatawag. May isang di kilalang babae sa shop.

"Enteng, yan gising ka na sa wakas. Nasan na daw yung laptop na pinapagawa ni amo. Nung isang araw pa daw yan ah. Pinapatagal mo na masyado. Bilisan mo daw." Sabay alis din agad ng babae. Tumango lang si Enteng.

Naglakad sya patungong kusina. Naghanap ng salamin. Tiningnan ang sarili. Makikita natin ang mukha ni Enteng, medyo mahaba ang bigote at balbas. May peklat sa gilid ng mata. Maghihilamos sya tapos magpupunas ng mukha. Pupunta sa mesa at maghahanap ng pagkain. May kaldero sa mesa ngunit may mga ipis na gumapang palabas. Kukunin niya ang laman ng kaldero at kakainin. May makikita syang kalendaryo sa mesa. Titingnan niya ito. Walang nakamarka sa araw na ito"Happy birthday to me!" Ngingisi lang sya tapos ibababa ang kalendaryo. Susubo ulit ng pagkain. Malalasahan nya ito at ibubuga ang kinain.

May maririnig na wangwang mula sa labas.

Tatayo si Enteng. Maglalakad papunta sa sala. Papuntang workshop. Palabas.

Bubuksan niya ang pinto.

May mga sundalong lalapit sa kanya at kukuwelyuhan siya.

"Upa mo!"

May dudukutin si Enteng sa bulsa at ibigay ito sa sundalo. Sisikmuraan nila si Enteng tapos aalis.

Papasok si Enteng at pupuntahan ang laptop na ginagawa. Uupo sya sa workshop. Nakaupo lang sya. Nakatingin sa Laptop na sira.

Mamaya ay tatayo sya kukunin ang jacket. Dudukutin nya sa bulsa ang papel na binigay ng tao nung isang araw. Pagkabasa ay lumabas si Enteng suot ang jacket.

Naglakad sya papunta sa isang liblib na kalye sa dulo ng bayan. Pumasok sa isang bodega na walang laman.

"Enteng..." Nasa likod ang tao. Lilingon si Enteng.

Isa syang lalake na mapayat, at puno ng balbas at bigote sa mukha. Nakajacket sya ng itim at may suot na sombrero.

"Pumunta ka dito dahil sa puso mo ay naniniwala ka."

"Ako naniniwala? saan?"

"Na hindi ito ang buhay na dapat sayo. Na merong mas magandang buhay para sa yo."

"Teka sino ka muna?"

"Sabihin na lang natin na isa ako sa magiging pinakamahalagang tao sa buhay mo. Pero ang mahalaga ngayon ay iyong misyon. Halika."

Lumapit si Enteng dahan-dahan.

"Bago ang lahat, kelangnan mong malaman ang nangyari." Ipinatong ng lalaki ang hintuturo sa noo ni Enteng. Sa isip ni Enteng, tumakbo ang isang eksena, ang propesiya, ang pagpapatawag ng pulong ang hari ng kadiliman, ang pag-utos kay Ahora, at ang tatlong kidlat sa mundo ng kadiliman na bumago sa takbo ng kasaysayan sa lupa.

"Anu yun? Pangitain ba yun?

"Iyun ang totoong nangyari, ENteng. Kung bakit ganito ang mundo ngayon.

"Anu naman ang kinalaman ko dun?"

"Ikaw ang tagalupa na tinutukoy sa propesiya, Enteng."

"Pero hindi pwedeng ako. Wala nga akong asawa. Pano pa ko magkakaroon ng tatlong anak?"

"Hmm.." Napabuntong hininga ang lalaki. "Sige. Kelangan muna nating ibalik ang iyong dating ala-ala, para mapadali ang lahat. Halika sumunod ka sakin."

"Huh? Saan tayo pupunta?"

"Hindi saan. Kailan.Ayon sa libro ng mahika, ang lahat na tadhana ng isang tao ay nakalatag sa kanya pagkapanganak pa lang niya, ngunit ang tiyak na landas na tatahakin nya ay malalaman pa lang niya habang siya'y lumalaki. Kaya pupunta tayo sa araw na ipinanganak ka upang kunin yung alal mo na nawala."

"Ha. Ano daw? Este ibig sabihin marunong kang mag magic?"

"Basta magtiwala ka na lang." Itinaas ng lalaki ang kanang kamay at may iminustra sa hangin. "Kumapit kang mabuti."

Pagkahawak na pagkahawak ni Enteng sa lalaki ay umikot ang dalawa ng sobrang bilis. Pagtigil nila ay nasa labas sila ng isang bahay kubo. Madaming puno sa paligid. Gabi na at tahimik ang lahat.

May biglang sumigaw na babae mula sa kubo. Mayamaya pa may tumakbong lalaki mula sa malayo at pumasok sa kubo. Tumigil sa sigaw ang babae. Sa gitna ng dilim may sanggol na umiyak.

"Yun ang una mong iyak, Enteng." Nakangiting sabi ng lalaki. "Halika lumapit tayo."

Sa may bandang pintuan ng kubo may 3 lalaki at 3 babae ang nakaupo sa bangko. Ang Isang babae at isang lalaki ang maiitim ang balat na tila mag-asawa. Ang isang babae at lalaki naman ay medyo malusog ang katawan. Ang isang lalaki naman, na kasama nung ias ding babae ay kalbo.

Lumakad sina Enteng papunta sa likuran sa may bintana. Sumilip si Enteng. Nakita nya ang isang lalaki na mejo kamukha nya. Nakaupo sya sa tabi ng babaeng nakahiga at may hawak na sanggol.

Sumilip din ang lalaking kasama ni Enteng. Itinaas ng bahagya ang kamay at may iminustra sa hangin. May isang liwanag na tila umalis sa ulo bata at napunta sa kamay ng lalake.

"Narito na ang iyong alaala Enteng." Inilagay ang liwanag sa ulo ni Enteng. Tumakbo sa isip ni Enteng ang napakaraming eksena. Mula pagkabata, pag-aaral, paglaki, pagasawa, pag-anak hanggang sa kanyang kaarawan.

"Halika ka na Enteng". Naglalakad na ang lalaki papalayo sa kubo. Ngunit nakatingin pa rin si Enteng at nakasulyap sa mga magulang niya at sa sa sanggol. Naririnig niyang naguusap ang mag-asawa.

"Isa siyang biyaya sa atin Edu. Bigay ng Diyos."

"Tama ka mahal. Anong gusto mo ipangalan sa kanya.?"

"Ang Diyos ang magbubulong sa atin ng pangalan."

"Pero anong gusto mo?"

Napansin ng lalaking kasama ni Enteng na hindi sumusunod si Enteng sa kanya kaya tinawag nya ito.

"Psst. PSSST. Enteng!"

Tila narinig ito ng nanay ni Enteng.

"Enteng. Enteng ang ipapangalan natin sa kanya." Sambit ng nanay.

Napangiti na lang si Enteng. Pagkatapos ay sumunod na sa lalaki palayo sa kubo.

Tuesday, May 3, 2011

Ikalawang Kabanata

"Enteng! Enteng!" May isang sigaw na palakas nang palakas.

Unti-unting mumulat ang mga mata ni Enteng. Malabo ang paningin. Bumangon sa kama. Lumabas ng kwarto at papunta sa pinangagalingan ng tumatawag. May isang di kilalang babae sa shop.

"Enteng, yan gising ka na sa wakas. Gawin mo daw tong laptop sabi ni amo. Babalikan ko mamaya. Sige." Sabay alis din agad ng babae. Tumango lang si Enteng.

Naglakad sya patungong kusina. Naghanap ng salamin. Tiningnan ang sarili. Makikita sa salamin ang mukha ni Enteng, medyo mahaba ang bigote at balbas. May peklat sa gilid ng mata. Maghihilamos sya tapos magpupunas ng mukha. Pupunta sa mesa at maghahanap ng pagkain. May kaldero sa mesa ngunit may mga ipis na gumapang palabas. Kukunin niya ang laman ng kaldero at kakainin. May makikita syang kalendaryo sa mesa. Titingnan niya ito. May nakamarka sa araw na ito "Happy birthday to me!" Ngingisi lang sya tapos ibababa ang kalendaryo. Tutuloy sa pagkain.

Ito si Enteng sa kasalukuyang panahon.

Lingid sa kanyang kaalaman, nagtagumpay ang mundo ng kadiliman. Nabura na lahat ng kanyang ala-ala ng pagkikita nila ni Faye. Kaya't siya ay mag-isa ngayon na nabubuhay dito sa mundo.

Walang Aiza, Benok o Ada. Walang Reyna Magenta at Prinsipe K. Wala lahat ng kanyang mga kaibigan.

May maririnig na wangwang mula sa labas.

Tatayo si Enteng. Maglalakad papunta sa sala. Papuntang workshop. Palabas.

Bubuksan niya ang pinto.

Paglabas niya ay tatambad ang katotohanan.

Ang mundo ay napagharian ng kasamaan. Puro usok sa paligid. Mga gusaling nakabagsak. Mga sasakyang nasusunog sa kalye. May ilang tangkeng dumadaan. May maririnig na putok. May mga sundalong lalapit sa kanya at kukuwelyuhan siya.

"Upa mo!"

May dudukutin si Enteng sa bulsa at ibigay ito sa sundalo. Sisikmuraan nila si Enteng tapos aalis.

Sa isang sulok ng kalye, may isang taong tila nagmamatyag ng patago kay Enteng. Mapapansin ni Enteng ang tao ngunit sa isang kispamata'y wala na ito. Papasok si Enteng sa bahay nang kumakamot ang ulo.

---

Ginagawa ni Enteng ang laptop. Mapapansin niya na may kulang na piyesa. Tatayo siya, kukunin ang jacket, isusuot ito at maglalakad palabas.

Naglalakad puntang palengke si Enteng. Patungong Black Market. Madami siyang nakakasalubong. Lahat ng tao, tila nakatungong naglalakad, puno ng problema at hinagpis. May mga sundalong nananadyak sa isang tao sa gilid ng kalsada. Mapapatingin si Enteng.

"Anung tinitingin mo?! HA? Lakad!" Sigaw ng sundalo.

May isang kamukha ni Amy na makakasalubong sa daan--pero hindi sila magpapansinan-- sa mundong ito hindi sila magkakilala. Makakasabay niya sa pagpasok ng palengke si Jose, titingin lang sya ng masama kay Enteng-- hindi sila magkakilala.

Pupunta si Enteng sa isang sulok ng palengke at bibili ng piyesa. May maririnig si Enteng na parang bulong mula sa likuran niya.

Enteng...

Enteng...

Lilingon si Enteng ngunit walang makikita.

Enteng, hindi ka ba nagtataka?

Lilingon muli si Enteng ngunit walang makikita.

Ibibigay ng nagtitinda ang binili niya. Kukunin ito ni Enteng at aalis. Palingon lingon.

Sa daan ay makakaramdam si Enteng ng uhaw. May makikita syang isang karinderya sa may kanto. Lalakad siya papunta doon at uupo sa isang mesa.

May lalapit na waiter at tatanungin ang order nya.

"Isang softdrinks nga."

Isusulat ng waiter ang order at aalis.

Maghihintay si Enteng sa mesa.

Maya-maya pa may babaeng uupo sa isang mesa sa dulo ng karinderya sa tapat ng kinauupuan ni Enteng. Si Faye! Mapapatingin si Enteng ng isang saglit. Titingin din si Faye ng isang saglit. Pagkatapos ay susulyap sa iba. Dadating ang softdrinks ni Enteng dala ng waiter.

Titingin muli si Enteng kay Faye pero iinumin lang nya ang softdrinks. Wala lang ang kanilang pagkikita. Hindi sila magkakilala.

May biglang uupo sa mesa sa upuan sa likod mismo ni Enteng.

"Hindi ka ba nagtataka? Hindi mo ba nararamdaman minsan na may kulang sa yo?"

Tatalikod si Enteng.

"Sino ka ba? Bakit mo ko sinusundan?"

"Isa lang akong taong nagmamalasakit sa iyong tadhana. Sa yong buhay."

"Bakit? Maayos naman ang buhay ko a."

"Talaga? Ayos ka na ba sa kinalalagyan mo? Pag-uwi mo anung dadatnan mo, kaning iniipis na naman?"

"Wala kang pakialam!"

"Kung gusto mog may magbago sa buhay mo puntahan mo ko dito." May iniabot na papel ang tao kay Enteng. Kukunin ito ni Enteng at babasahin.

"Sino ka ba..." Paglingon nya para tingnan ang tao ay wala na ito. "...talaga..."