Enteng Kabisote: Unang Libro

Abangan sa espasyong ito ang isang kuwento ng pagibig, pagkakaibigan at pakikipagsapalaran.

Sa mundo sa kuwentong ito, nagwagi na ang kadiliman hindi lang natin nalalaman.

Paano pa nga ba matatalo ng ating bida ang puwersa ng kadiliman kung siya ay mag-isa na lamang-- walang Prinsipe K, walang Faye, walang mga engkantadang makikipaglaban?

Abangan...

Tuesday, May 17, 2011

Ikaapat na Kabanata

"Enteng! Enteng!" pasigaw ng misteryosong lalaki.

"Ente-"

"Huy! Anu ka ba nasa likod mo lang ako sumusigaw ka pa!".

"Ay pasensya na po. May ipapakita ako sayo." Kinuha ng lalaki ang kamay ni Enteng at inakay ito papunta sa isang lugar sa likod ng mga puno ng saging. May dinukot ito sa bulsa na pulbos at ibinuhos sa may lugar sa harapan nila. Pag buhos ng pulbos ay may na-aninag si Enteng na parang bitak na lumulutang sa ere.

"Anu yan?" tanong ni Enteng.

"Ito ay isang warak sa takbo ng panahon."

"Huh? Anu daw? Este pakitagalog nga", sabi ni Enteng nang nakakunot ang noo.

"Ang panahon ay parang isang dumadaloy na ilog. Pumaparoon ito at hindi pumaparito. Maayos ang daloy nito. Pero kapag may umapak sa daloy nun, makikita mo na nasisira ang agos hanggang sa kaduluduluhan ng ilog."

"Ibig mong sabihin may umapak sa daloy ng panahon kaya may ganyanng bitak?"

"Kurak! Ang totoo nyan. Ang kasalukuyan, yung mundo na kinagisingan mo kaninang umaga ay epekto ng pagkakawasak sa maayos na daloy ng panahon. Maraming masamang naidulot ang pag-apak na iyon."

"E di kelangan lang natin ayusing ulit yung daloy na yun. Kelanagn natin hanapin yung umapak sa daloy para sya naman ang apakan natin."

"Tama. Yan ang gagawin natin. Hahanapin natin yung manlalakbay ng panahon at pipigilan sya na baguhin ang daloy", sambit ng lalaki. "Gagamitin natin ang bitak na to upang sundan kung saang panahon siya pumunta. Maaring maraming panahon ang pinuntahan niya, pero kelangan natin makita lahat yun."

"Sige tara. Hanapan ang salarin". Akmang susugod si Enteng papunta sa bitak sa hangin. Pero pinigil siya ng lalaki.

"Oops! Teka lang. Isa pang leksiyon. Alam mo naman yung propesiya di ba?"

"Slight lang. Parang naulinigan ko kanina nung bumalik ang memorya ko."

"Ayun. SO tingin ko ang gagawin ng kalaban ay puntahan ang lahat ng panahon kung kelan nagtagpo kayo ni Faye. Pipigilan niya na magkatagpo kayong dalawa para hindi kayo magkakanak."

"Ahh kaya dapat lang nating gawin ay pagtagpuin ako at si Faye! Ako na ang didiskarte dyan. Akong bahala."

"Sige, sabi mo e. Sugod na!" sigaw ng lalaki.

Sa hudyat na yun, tumalon na si Enteng papsok ng bitak. At sumunod naman ang lalaki.

Sa paningin ni Enteng, umikot ang lahat ng nasa paligid niya. Umikot ng umikot. Nang biglang tumigil ito. Bumagsak si Enteng sa lupa. Unti-unting luminaw ang paningin niya. Nakita nyang nakatayo na ang lalaki. Inabot nito ang kamay ni Enteng upang makatayo.

"Masasanay ka rin," payo ng lalaki.

"Anung lugar to?" ani Enteng. Sa paligid, parang isang madilim na kuweba ang nabagsakan nila. May mga ginintuang bulaklak na nakasabit sa tabi-tabi. May isang sapa na dumadaloy sa may banda roon.

"Nasa Engkantasya tayo ngayon, pero ang mas tamang tanong ay, anung panahon to?." sagot ng lalaki sabay ngiti. "Tayo ay nasa panahon na pitong taon ka pa lang. Kelangan mong malaman kung anung mahalaga sa panahong ito. Bakit dito pumunta ang kalaban. At kelangan natin sya agad makita."

"Parang naalala ko na may ikinuwento si Faye sa kin dati. Una daw niya akong makita ay nung pitong taon ako. Pinapanood daw niya ako habang naglalaro kasama yung ibang mga bata. May nangyari daw nun na talagang hinangaan niya sa kin. Pero hanggang yun lang naalala ko".

"Sige pwede na yun bilang simula. Kung pinapanood ka ni Faye noon, siguro gamit nya ang palanggana ng pagsilip. Halika lumapit tayo ng konti, pero wag ka magpapakita kahit kanino."

Lumapit ang dalawa sa may bandang dulo ng kuweba. Umakyat sila sa may burol as likod ng mga nagtatasan na bato haggang sa makarating sa taas na kitangkita ang palanggana. Nakikita nila na may mga batang naglalaro.

"Ako yun! Tingnan mo!" napasigaw ni Enteng.

"Ssshh!!!"

"Ay sori."

Sa palanggana, nakikita nila sina batang Enteng, Pipoy, Jose at Bale na umaakyat sa isang puno. Nagkakasayahan sila. Nasa tuktok silang lahat ng puno. Maya-maya pa bababa na sila. Unang bumaba si Jose, pagkatapos si Bale.

"Enteng, may paparating."

Sa may bukana ng kweba may nakita silang isang batangengkantada. Si Faye! papunta siya sa may palanggana.

"Tamang-tama. Makikita nya ako sa palanggana."

Pero nang nasa may kalagitnaan na si Faye ng kweba, may nakikita na naman na paparating sina Enteng.

Si Ahora! Pero hindi siya nakikita ni Faye. Nanatili si Ahora sa may gilid ng bukana ng kweba. May kinuha ito sa bulsa at inilagay sa bibig. Isa itong plawta. Tumutugtog si Ahora ng plawta.

Napatigil si Faye. Tumingin sa likuran. Unti-unitng naglalakd palabas ng kweba.

"Si Faye. Hindi nya makikita si batang Enteng", sambit ni Enteng. "Pupuntahan ko si Ahora!"

"Enteng hindi ka dapat magpakita kay Faye! Baka mas malaking kasamaan maidulot natin!"

"Basta pupuntahan ko si Ahora! Kelanagn tumingin si Faye sa palanggana!"

"Enteng!"

"Anu ka ba! hindi mo ko mapipigilan!"

"Enteng tingnan mo sa palanggana.

Pagtingin ni Enteng bigla siyang kinabugan. Nakita niya si Pipoy nakabitin sa dulo ng sanga at isang kamay na lang ang nakahawak. Sobrang taas ng puno, at siguradong magkakalasog ang katawan nito pag nakabitaw.

Natigilan si Enteng.

"Kelanagn kong iligtas si Pipoy." napagdesisyunan ni Enteng. "pero pano si Faye?"

"Wag kag mag-alala hindi maano si Faye hanggat nasa Engkantasya sya. Yun nga lang hindi niya makikita si Batang Enteng sa palanggana."

"Kung ganun, dalhin mo ko sa lupa."

"Sige ngayun din."

Nakabitin si Pipoy sa sangga ng puno. Isang kamay na lang ang hawak niya. Umiiyak. Nasa baba na ang tatlo pang bata. Maya-maya pa umakyat muli si batang Enteng ng puno. Pinuntahan kung nasan si Pipoy. Dahan dahan ang paggapang sa sanga.

"Jose, Bale, kunin nyo yung kariton na may dayami at ilagay sa ilalim namin! Bilis!"

Kumaripas ng takbo ang dalawa.

"Konting tiis pa Pipoy. Kapit lang. Maabot na kita." Lumalapit siya kay Pipoy.

Dulo na lang lang ng daliri ang nakahawak ni Pipoy.

"Kapit lang."

Ngunit hindi na kinaya ni Pippoy. Nakabitiw siya. Pero sakto na inabot siya ni batang Enteng. Pinagpapawisan si Enteng sa init at sa bigat ni Pipoy.

"Nasan na ba ang kariton."

Hinihila ni Jose at Bale ang kariton pero sobrang bigat nito.

Lumitaw si Enteng sa may damuhan sa may likuran ng kariton. Hindi siya kita ng dalawang bata. Yumuko si Enteng at lumapit sa karton. Patago niyang tinulak. Natuwa ang dalawang bata, akala nila sila ang humihila.

Umabot na sa ilalim ni Pipoy.

"Di ko na kaya!", sambit ni batang Enteng. Nakabitaw siya. Pero nasalo si Pipoy ng Kariotn na may dayami. Ligtas silang lahat. Natuwa din.

"Hay salamat", sabi ni Enteng sa likod ng kariton.

"Hay salamat", sabi ni Enteng sa taas ng puno.

Mayamaya pa umikot na naman ang paligid ni Enteng. Nagbalik siya sa Engkantasya. Nakaupo ang lalaki sa sulok.

"O ano, nakita ba ni Faye? Iniligtas ng batang ako si Pipoy!." Sambit ni Enteng na may ngiti sa labi.

"Hindi ka niya nakita. Nabigo tayo."

Nawala ang ngiti ni Enteng.

No comments:

Post a Comment